Tuesday, August 26, 2008

Tula ng Kasawian


Kasalanan
(Unang Yugto)

Mundo ay nagliwanag nang una kang makita
Puso ko ay kumabog-kabog sa kaba
'Di ko nga mawari ang nadarama
Pag-ibig na nga kaya ito sinta?

Nagdaan ang mga araw at tuluyan kitang nakilala
'Liban sa pisikal na kaanyuan, kay bait mo pa pala
Kaya marahil, nararamdaman sumidhi pa
Tuluyang umusbong, pag-ibig na 'di mapaliwanag sa tuwina

Ngunit puso ko'y nabigo nang ako'y may nalaman
May nagmamay-ari na raw sa iyo ayon sa isang kaibigan
Biglang nabuwal pangarap kong walang hanggan
Para sa ating ligayang pangmatagalan...

Pero ang natalalas ay di pumigil
Sa pusong nag-aasam na ibigin;
Kasalanan man sa turing, di ako papipigil
Para sa akin, ito'y kabanal-banalang mithiin.

Masakit man, ako'y aasa pa rin,
Darating isang araw at ako'y mapapansin;
Kasalanan man sa turing, ika'y patuloy na iibigin
Pakiramdam ko ba'y 'di ako buo pag di ka kapiling.

Patuloy akong aasa na susuklian mo rin
Pag-ibig kong kasalanan kung ituring...



Panakip Butas
(Ikalawang Yugto)


Isang araw ng kalungkutan,
Lumuluha maging kalangitan.
Akala'y masamang bukas ang daratnan
Ngunit ika'y aking nasilayan
Ako'y muling nabuhayan.

Ikaw sana'y lalapitan, nang aking mamasdan
Ikaw ay luhaan, di mawari ang dahilan
Nang aking mapagtanto, kanya ka na naman palang nilinlang, pinaglaruan
Di ko nga alam ba't sarili'y pinagpipilitan.

Ako'y nag-isip, ika'y nilapitan at sinaluhan
Inilabas sa akin mga dinaramdam, parang isang batang luhaan
Nang lumaon, di ko na mapaliwanag nararamdaman
Tuluyan na nga yatang nahulog sa'yo hirang.

Nagdaan ang panahon nang di ko namamalayan
'Pagkat akala ko ligaya'y wala nang hanggan
Ngunit ipinahiram lamang
Ipinalasap sa pusong nag-aasam.

Isang araw na di inaasahan
Siya pala'y magbabalik, hihingin iyong kapatawaran
Agad siyang pinatawad at ako'y iniwan
Akala ko, minahal mo rin ako...

'Yon pala'y ginawang panakip butas lamang!!!



Bakit?
(Ikatlong Yugto)

O, bakit? Bakit mo nagawa ito...
Sa taong tunay na nagmamahal sa'yo?
Iyong winasak, dinurog puso't damdamin ko
Iniwang nag-iisa't luhaan ako.

Ibinigay ko sa'yo lahat lahat, maging puso't aking kaluluwa,
Pero bakit mo ito nagawa sinta?
Ako'y iyong iniwang nag-iisa, nagdurusa
Bakit mas pinili mo pa siya? O, bakit siya pa?!!
Isang salawahan at di tunay ang nadarama...

Heto ako, handang gawin lahat para sa'yo
Iniukol buong buhay ko,
Isusuko kahit ano upang mahalin mo...
Narito lang ako, nakaalalay palagi sa iyo
Pero bakit? O,bakit nagawa ito...
Sa taong lubos ang pag-ibig sa iyo?

Ginawa ko ang lahat para ika'y mapaligaya,
Binigay sa'yo lahat lahat hanggat makakaya!
Di ko alam kung ano maling nagawa,
Nagmahal ako nang tapat,
'Yon pala, kahit ako ay di pa sapat..!



Kakayanin Ko
(Ikaapat na Yugto)

Ako ngayo'y nag-iisa, 'pagkat may iba ka na
Di ko alam, makakaya ko ba na ika'y maagaw nang iba?
Kakayanin ko ba na ika'y mawala sinta?
Ngunit ano aking magagawa ba't nagtatanong pa...
Alam ko namang tinitibok nang iyong puso ay siya!!!
At sinisigaw nang iyong isipan ay pangalan niya...

Kay sakit nang aking nadarama
'Pagkat ako pala ay di mo talaga sinisinta;
Ginawa ko na ang lahat upang iyong mahalin,
Ngunit, para sa iyo, kulang pa rin!

Mahal kita, alam mo ba?
Kaya gagawin lahat para ika'y mapaligaya...
Tatanggapin kahit gaano kasakit ang madarama
Kung sa kanya ka liligaya, pakakawalan kita!..

Kakayanin ko lahat kung iyong ikasasaya
Ganyan talaga kita kamahal sinta;
Handa akong magdusa para sa iyong ikaliligaya.
Masakit mang tanggapin, aking kakayanin
Na mawawalay ka na sa aking piling...

Ngunit bago matapos ang lahat, may nais akong malaman...

Kakayanin mo kayang ako'y pagmasdan
Kakayanin mo kayang ako'y makita
Ako na tunay na umiibig sa'yo ay lumuluha?



Sugat
(Ikalimang Yugto)

Sa dami nang aking napagdaanan
Tama nga palang tawaging kasalanan
Mahalin ka't umasang mahalin mo ri sa katagalan
Pagkat sa ngayon, ako'y lubusang nasaktan
Sa pagsusumamong pag-ibig ko ay masuklian.

Marahil nagkamali nga ako na umasang mahalin mo
Pagkat ang paglisan mo'y halos ikamatay ko;
Pagkat 'di ko alam kong paano
Paano mabuhay nang wala ka sa piling ko...

Nagkamali ako, inaamin ko sa iyo
Ngunit sa kabila nito,
Pagsisisi'y di mo maaninag sa aking anyo
Pagkat sa kabila nang lahat, alam mo?
Ako'y lumigaya sa iyo
Pagkat kahit sandali lang, naramdaman ko
O marahil nasa isip ko lang na minahal mo rin ako.

Nagayon nga'y ako'y natuto
Kapag ang isang tao, pinilit mo
O nagpalubag loob lang sa iyo
Tiyak babalik din ito
Sa tinitibok, sinisigaw, binubulong nang kanyang puso...

Ngunit magagawa ko ay ano?
Napagsabihan ko na naman sarili ko,
"I must move on, that's the right thing to do..."
Pero ano? Wala, wala pa ring pagbabago
Bihag mo pa rin puso't damdamin ko...

Now, I am thinking, "I need someone new..."
Yeah, right! Kaylangan ko nang bago
"Yon bang tunay na iibigin ako
At tutulong na hilumin ang sugat na iniwan mo...

4 comments:

Unknown said...

Ang gaganda ng tula full of emotions. Ramdam ko bawat taludtod ang sakit na naranasan mo. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa piling ng magmamahal sayo.

Unknown said...

ang ganda nang tula po
tagossa puso ramdam ko ang lungkot, at pagkasawi sana matuto din ako mag sulat ng mga ganyang tula

Mayor said...

Verry nice :)

Unknown said...

Ang ganda ng tula, binasa ko lahat... 😔